DALAWANG JOSE, DALAWANG BAYANI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nanalasa ang bagyong Jose sa bansa nitong nakaraang linggo. Kasagsagan ng bagyong Jose ay pinatutugtog naman ang Lolo Jose sa radyo, isang awitin ng pagmamahal ni Coritha sa kanyang matanda. Hanggang sa pumasok sa aking isipan ang dalawang bayaning may pangalang Jose.
Nakilala ko si Rizal noong elementarya, at sa maraming dako ay may makikita kang rebulto ni Rizal sa Maynila, habang nakilala ko si Marti noong ako'y maging aktibista, at minsan ay nakakadalo sa talakayan ng samahang Philippine-Cuba Friendship Association, sa panahong may embahada pa ang Cuba dito sa Pilipinas. Sino nga ba ang dalawang Joseng ito at sino ba sila sa atin?
Pambansang bayani ng Cuba si Jose Marti. Pambansang bayani naman ng Pilipinas si Jose Rizal. Pareho silang makata at manunulat sa panahong sakop ng bansang España ang kani-kanilang bansa. Pareho silang naghangad na mapalaya ang kanilang bansa mula sa pananakop ng mga Kastila.
Si Jose Marti ay isinilang sa Havana, Cuba noong Enero 28, 1853. Si Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Si Jose Marti ang panganay sa walong magkakapatid; si Jose Rizal ay pampito sa labing-isang magkakapatid.
Pareho silang may napakaraming kapatid na babae. Pitong babae ang kapatid ni Marti. Siyam na babae ang kapatid ni Rizal.
Pareho silang pintor at iskultor. Si Jose Marti ay nag-aral sa Professional School for Painting and Sculpture. Si Jose Rizal naman ay natuto ng pagpipinta sa ilalim ng sikat na pintor na Kastilang si Agustin Saez, at ng paglililok sa ilalim ng gabay ni Romualdo de Jesus.
Pareho silang nagsulat ng dula sa wikang Kastila. Isinulat ni Jose Marti ang "Amor con amor se paga".(Love is Repaid with Love). Isinulat naman ni Jose Rizal ang "El Consejo de los Dioses" (Council of the Gods) na inilathala sa Maynila ng Liceo Artistico Literario de Manila noong 1880, at sa La Solidaridad noong 1883.
Pareho silang makata, at nagsulat ng mga tula sa wikang Kastila. May tatlong kalipunan ng tula si Marti, at ito ang Ismaelillo (1882), ang Versos sencillos (1891), at Versos libres, na pawang sinulat noong dekada ng 1880, ngunit nailathala lamang noong 1913. Noong Oktubre 4, 1882, hinilingang tumula si Rizal ng mga kasapi ng Circulo Hispano-Filipino, kaya tinula ni Rizal sa harapan nila ang kinatha niyang "Me piden versos" sa pulong na ginanap sa bahay ng isang Pablo Ortiga y Rey. Nagsulat ng tula si Rizal sa iba't ibang lugar na kanyang napuntahan. Tinalakay naman ni Rizal ang Arte Metrica del Tagalog (Ang Sining ng Tugma at Sukat sa Tagalog) na kanyang binigkas sa wikang Aleman (at isinalin niya kalaunan sa Espanyol) sa Sociedad Etnografica sa Berlin noong Abril 1887, at inilathala ng naturang samahan sa taong ding iyon.
Pareho silang may tulang pinaghalawan ng awit. Bahagi ng tula ni Jose Marti sa kanyang aklat na "Versos Sencillos" (Simple Verses) ay ginawang awit, ang "Guantanamera" na naging makabayang awitin ng Cuba. Ang dalawang taludtod ng tulang Sa Aking Mga Kabata, na umano'y isinulat ni Jose Rizal noong siya'y bata pa, ay ginamit sa isang sikat na awitin ni Florante. Ayon sa awiting Ako'y isang Pinoy ni Florante: "Si Gat Jose Rizal nuo’y nagwika, siya ay nagpangaral sa ating bansa, ang hindi raw magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." Gayunman, may mga bagong saliksik ngayon na nagsasabing hindi kay Rizal ang tulang Sa Aking Mga Kabata. Magandang sangguniin hinggil sa usaping ito ang aklat na Rizal: Makata ni Virgilio S. Almario, pambansang alagad ng sining para sa panitikan.
Pareho silang nagsulat ng kwentong pambata. Inilathala ni Jose Marti ang La Edad de Oro, na isang magasing pambata, habang sinulat naman ni Jose Rizal ang mga kwentong Ang Pagong at ang Matsing, at ang kwentong Apoy at Gamugamo.
Pareho silang nagsulat sa pahayagan. Si Jose Marti ay nagsulat sa mga pahayagang Opinión National (ng Caracas, Venezuela), La Nación (ng Buenos Aires sa Argentina), New York Sun, El Partido Liberal, La República, El Economista Americano, at La Opinión Pública. Nagsulat din siya sa mga pahayagang lihim na El Diablo Cojuelo at La Patria Libre. Ang artikulong "Amor Patrio" ni Rizal ay nalathala sa Diaryong Tagalog, at bilang isa sa mga haligi ng kilusang propaganda, ay nagsulat siya ng mga artikulo sa La Solidaridad na nakabase sa Madrid sa España.
Pareho silang naging tagasalin (translator). Isinalin ni Jose Marti ang Mes Fils (Aking Mga Anak) ni Victor Hugo, mula sa wikang Pranses tungo sa Wikang Kastila, at ito ang Mis Hijos. Ang Ramona ni Helen Hunt Jackson na nasa wikang Ingles ay isinalin ni Marti sa Espanyol. Isinalin din ni Marti ang mga teksto mula sa larangang diplomatiko, pilosopiya, kasaysayan, panitikan at pulitika. Isinalin naman ni Jose Rizal ang dulang William Tell mula sa wikang Aleman sa wikang Tagalog. Isinalin din ni Rizal sa wikang Kastila mula sa wikang Aleman ang kanyang Arte Metrica del Tagalog, na nabanggit na sa unahan. Ang Karampatan ng Tawo ay salin umano ni Rizal noong siya’y nasa Hongkong ng Declaration of the Rights of Man and the Citizen ng Rebolusyong Pranses. May salin umano si Rizal mula sa wikang Kastila tungo sa wikang Ingles ng Sucesos de las Islas Filipinas (Events in the Philippine Islands) ni Antonio Morga noong 1890, kasama ang kanyang anotasyon.
Pareho silang kumuha ng espesyal na pag-aaral upang maging propesyunal. Si Jose Marti ay kumuha ng abugasya at nagtapos ng pagkaabogado. Si Jose Rizal naman ay kumuha ng medisina at nabigyan ng Licentiate in Medicine noong Enero 21, 1884, ngunit hindi nagawaran ng diploma sa pagka-doktor dahil hindi niya naipasa ang tesis na kinakailangan sa gradwasyon. Nag-espesyalisa siya sa optalmolohiya sa Paris at Alemanya upang magamot niya ang mata ng kanyang ina.
Pareho silang naglakbay sa iba't ibang bansa. Naglakbay si Jose Marti sa Mexico, Guatemala, Amerika, Haiti at Dominican Republic. Naglakbay naman si Jose Rizal sa España, Singapore, Pransya, Colombo, Hongkong, Japan, Alemanya, Belgium, at Switzerland.
Pareho silang nag-asawa ng dayuhan. Napangasawa ng Cubanong si Jose Marti si Carmen Zayas ng Guatemala, at ikinasal sila noong 1877. Napangasawa naman ng Pilipinong si Jose Rizal si Josephine Bracken ng Britanya, at ikinasal sila ilang oras bago bitayin si Rizal.
Pareho rin silang nagkaroon ng isang anak na lalaki. Pinangalanang Jose ang anak ni Jose Marti at nabuhay ito ng matagal. Namatay naman ang anak ni Jose Rizal ilang araw matapos itong isilang. Pinangalanang Francisco ang bata bilang paggunita sa kanyang ama.
Kapwa nila ipinahayag ang dalamhati sa mga pinaslang na mahahalagang tao sa kasaysayan. Si Jose Marti ay sa pagkapaslang kay Abraham Lincoln, habang si Jose Rizal ay sa pagbitay sa tatlong paring Gomburza, kung saan niya inalay ang kanyang nobelang El Filibusterismo.
Pareho rin silang nag-organisa ng samahan. Itinatag ni Jose Marti noong 1892 ang Cuban Revolutionary Party (Partido Revolutionario Cubano). Itinatag naman ni Jose Rizal nang taon ding iyon, Hulyo 3, ang La Liga Filipina, ngunit siya'y dinakip na ng mga Kastila. Apat na araw matapos maitatag ang La Liga Filipina ay naitatag nina Andres Bonifacio ang Katipunan.
Parehong napiit at ipinatapon sina Jose Marti at Jose Rizal. Si Jose Marti ay sinentensyahang mabilanggo ng anim na taon ng matinding paggawa (hard labour). Dahil sa tulong ng kanyang mga magulang, napaikli ang kanyang sentensya, ngunit pinatapon siya sa bansang España. Si Jose Rizal naman ay ibinilanggo sa Fort Santiago mula Hulyo 6, 1892 hanggang Hulyo 15, 1892 bago siya ipinatapon sa Dapitan. Muli siyang ikinulong sa Fort Santiago noong Nobyembre 3, 1896 hanggang sa umaga ng kanyang kamatayan noong Disyembre 30, 1896.
Pareho silang kinilala ng mga lumalaban sa kasalukuyang sistema ng lipunan. Kinilala si Jose Marti ng rebolusyonaryong si Fidel Castro. Si Jose Rizal naman ay kinilala ng mga anarkistang Pilipino, dahil sa bida niyang si Simoun na nais pasabugin, sa pamamagitan ng regalong lampara, ang pagtitipon sa isang bahay bilang hudyat ng isang pag-aalsa ng taumbayan.
Pareho nilang hinarap ang kanilang kamatayan at namatay sa tama ng bala. Noong Mayo 19, 1895, napatay si Marti habang nakikipaglaban sa mga pwersang Kastila sa Dos Rios kung saan pinangunahan niya ang paglusob. Hinarap naman ni Jose Rizal ang kanyang kamatayan sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.
Anupa't sina Jose Marti at Jose Rizal ay kinilala ng kani-kanilang kababayan. Marami silang pagkakapareho ngunit marami ring pagkakaiba.
Pareho silang ginawang simbolo ng pakikibaka sa kani-kanilang bansa. Kasama si Marti ng mga rebolusyonaryong Cubanong sina Heneral Maximo Gomez at Heneral Antonio Maceo sa pakikipaglaban upang mapalaya ang Cuba sa kamay ng mga Kastila. Upang madali namang magkakilanlanan ang mga Katipunero, bukod sa Gomburza'y ginamit nilang koda (password) ang Rizal. Subalit hindi naging lider ng rebolusyon si Rizal. Sa katunayan, itinakwil niya ang rebolusyon, lalo na ang kilusan nina Bonifacio at ng mga Pilipinong lumaban upang matamo ang kalayaan.
Si Jose Marti ay kinilalang pambansang bayani ng Cuba. Si Jose Rizal ay kinilalang pambansang bayani ng Pilipinas, ngunit maraming nagsasabing siya ay American-sponsored hero, dahil tinanggihan niyang maging pinuno ng rebolusyon para sa kalayaan ng bayan. Gayunman, hindi matatawaran ang tapang at kabayanihan ni Rizal sa ginawa niyang pagharap sa mga balang ipinutok sa kanya.
Narito ang ilang tula nina Jose Marti at Jose Rizal hinggil sa pagmamahal nila sa kanilang bansa, na aking isinalin sa wikang Filipino.
NABUHAY AKO BAGAMAT AKO'Y NAMATAY (Tula 26)
ni Jose Marti
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Nabuhay ako bagamat ako'y namatay
Na nagpapahayag ng mahusay kong tuklas
Sapagkat kagabi'y aking naging patunay
Pagmamahal ang pinakamagandang lunas.
Kapag tinimbang sa kurus, ang isang tao
Ay resolbadong mamatay para sa wasto
Gagawin niya ang lahat ng kabutihan
At uuwing pinaliguan ng liwanag.
PINAG-ISA TAYO NG CUBA

14 pantig bawat taludtod
Pinag-isa tayo ng Cuba sa dayong lupa,
Banaag sa Cuba yaring awit ng pagsinta:
Cuba ang iyong puso, aking langit ang Cuba
Sa iyong aklat, ang Cuba ang aking salita.
AWIT NI MARIA CLARA
ni Jose Rizal

15 pantig bawat taludtod
Kaytamis ng mga oras sa bayang tinubuan,
kung saan magiliw yaong araw na kumikinang
Simoy yaong buhay na winawalis yaong parang
ang pagsinta’y magiliw, tahimik ay kamatayan.
Naglalaro sa mga labi'y mainit na halik
habang nakaharap sa aming ina kami'y gising
pinapangarap siyang yapusin ng mga bisig
mga mata'y ngumiti habang sila'y nakatitig
Kaytamis kung mamamatay sa bayang tinubuan,
kung saan magiliw yaong araw na kumikinang!
Simoy yaong kamatayan sa sinumang nilalang
na walang pag-ibig, walang ina, at walang bayan!
Pinaghalawan:
http://www.poemhunter.com/jose-rizal/
http://www.poemhunter.com/jose-marti/
http://allpoetry.com/
http://www.kirjasto.sci.fi/josemart.htm
http://www.translationdirectory.com/articles/article1670.php
Bagong Kasaysayan, Lathalain Blg. 6, p. 48